HomeportalFAQSearchMemberlistUsergroupsRegisterLog in
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~WELCOME PAMPANGA TEXTERS CLAN~~~ Announcement THE PAMPANGA TEXTERS CLAN IS ONLINE. THIS CLAN SINCE`s 2006 IF U WANT TO JOIN JUST PM ME HERE # 09059012545 AND 09465431739 GODBLESS ~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Share | 
 

 BOB ONG's word of wisdom :]

Go down 
AuthorMessage
wastedoll02
vip
vip
avatar

Posts : 68
Points : 3429
Reputation : 1
Join date : 2009-05-09
Age : 24
Location : Angeles City

PostSubject: BOB ONG's word of wisdom :]   Sat May 09, 2009 7:38 am

-- to all PTCians :]



1. “Kung hindi mo mahal ang isang tao, wag ka nang magpakita ng motibo para mahalin ka nya..”

2. “Huwag mong bitawan ang bagay na hindi mo kayang makitang hawak ng iba.”

3. “Huwag mong hawakan kung alam mong bibitawan mo lang.”

4. “Huwag na huwag ka hahawak kapag alam mong may hawak ka na.”

5. “Parang elevator lang yan eh, bakit mo pagsisiksikan ung sarili mo kung walang pwesto para sayo. Eh meron naman hagdan, ayaw mo lang pansinin.”

6. “Kung maghihintay ka nang lalandi sayo, walang mangyayari sa buhay mo..

Dapat lumandi ka din.”

7. “Pag may mahal ka at ayaw sayo, hayaan mo. Malay mo sa mga susunod na araw ayaw mo na din sa kanya, naunahan ka lang.”

8. “Hiwalayan na kung di ka na masaya. Walang gamot sa tanga kundi

pagkukusa.”

9. “Pag hindi ka mahal ng mahal mo wag ka magreklamo. Kasi may mga tao rin na di mo mahal pero mahal ka.. Kaya quits lang.”

10. “Kung dalawa ang mahal mo, piliin mo yung pangalawa. Kasi hindi ka naman magmamahal ng iba kung mahal mo talaga yung una.”

11. “Hindi porke’t madalas mong ka-chat, kausap sa telepono, kasama sa mga lakad o ka-text ng wantusawa eh may gusto sayo at magkakatuluyan kayo. Meron lang talagang mga taong sadyang friendly, sweet, flirt, malandi, pa-fall o paasa.”

12. “Huwag magmadali sa babae o lalaki. Tatlo, lima, sampung taon, mag-iiba ang pamantayan mo at maiisip mong hindi pala tamang pumili ng kapareha dahil lang maganda o nakakalibog ito. Totoong mas mahalaga ang kalooban ng tao higit sa anuman. Sa paglipas ng panahon, maging ang mga crush ng bayan nagmumukha ding pandesal, maniwala ka.”

13. “Minsan kahit ikaw ang nakaschedule, kailangan mo pa rin maghintay, kasi hindi ikaw ang priority.”

14. “Mahirap pumapel sa buhay ng tao. Lalo na kung hindi ikaw yung bida sa script na pinili nya.”

15. “Alam mo ba kung gaano kalayo ang pagitan ng dalawang tao pag nagtalikuran na sila? Kailangan mong libutin ang buong mundo para lang makaharap ulit ang taong tinalikuran mo.”

16. “Mas mabuting mabigo sa paggawa ng isang bagay kesa magtagumpay sa paggawa ng wala”

17. “Hindi lahat ng kaya mong intindihin ay katotohan, at hindi lahat ng hindi mo kayang intindihin ay kasinungalingan”

18. “Kung nagmahal ka ng taong di dapat at nasaktan ka, wag mong sisihin ang puso mo. Tumitibok lng yan para mag-supply ng dugo sa katawan mo. Ngayon, kung magaling ka sa anatomy at ang sisisihin mo naman ay ang hypothalamus mo na kumokontrol ng emotions mo, mali ka pa rin! Bakit? Utang na loob! Wag mong isisi sa body organs mo ang mga sama ng loob mo sa buhay!

Tandaan mo: magiging masaya ka lang kung matututo kang tanggapin na hindi ang puso, utak, atay o bituka mo ang may kasalanan sa lahat ng nangyari sayo, kundi IKAW mismo!”

19. “Pakawalan mo yung mga bagay na nakakasakit sa iyo kahit na pinasasaya ka nito. Wag mong hintayin ang araw na sakit na lang ang nararamdaman mo at iniwan ka na ng kasiyahan mo.”

20. “Gamitin ang puso para alagaan ang mga taong malalapit sa iyo. Gamitin ang utak para alagaan ang sarili mo."

21. ""Hindi lungkot o takot ang mahirap sa pag-iisa, kundi ang pagtanggap na sa bilyon-bilyong tao sa mundo, wala man lang nakipaglaban upang makasama ka.""





--
CHiCC Like a Star @ heaven
Back to top Go down
View user profile
yhel
Administrators
Administrators
avatar

Posts : 195
Points : 2147486948
Reputation : 1
Join date : 2009-04-12

PostSubject: Re: BOB ONG's word of wisdom :]   Tue May 12, 2009 9:37 pm

NC hahaha
Back to top Go down
View user profile http://www.pampanga.tk
wastedoll02
vip
vip
avatar

Posts : 68
Points : 3429
Reputation : 1
Join date : 2009-05-09
Age : 24
Location : Angeles City

PostSubject: Re: BOB ONG's word of wisdom :]   Tue May 12, 2009 10:51 pm

hha:]
oo nga ee.
Shocked


aux! Smile
Back to top Go down
View user profile
yhel
Administrators
Administrators
avatar

Posts : 195
Points : 2147486948
Reputation : 1
Join date : 2009-04-12

PostSubject: Re: BOB ONG's word of wisdom :]   Tue May 12, 2009 11:55 pm

hahaha dami agad post oh
Back to top Go down
View user profile http://www.pampanga.tk
wastedoll02
vip
vip
avatar

Posts : 68
Points : 3429
Reputation : 1
Join date : 2009-05-09
Age : 24
Location : Angeles City

PostSubject: Re: BOB ONG's word of wisdom :]   Tue May 12, 2009 11:56 pm

haha
oo nga magaling kc tau !

eii tyrell.
cnu mga officer ni2 ?
haha



-- CHiCC
Like a Star @ heaven
Back to top Go down
View user profile
Sponsored content




PostSubject: Re: BOB ONG's word of wisdom :]   

Back to top Go down
 
BOB ONG's word of wisdom :]
Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» 8 word story.
» Wisdom Teeth
» 100 Word Drabbles
» A word if you will...
» Word Mania

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: Clan`Groups`Organazation :: PAMPANGA TEXTERS CLAN SECTION-
Jump to: